Martes, Setyembre 29, 2015

Larawan

Nararapat lamang na unahin natin ang wikang kinasanayan o wikang Filipino bago isa alang alang ang globalisasyon. Hindi naman masama ang ideya ng globalisasyon ngunit dapat din nating mahalin at tangkilikin ang sariling atin.
Sa ating pag-aaral dapat din nating isama at wag kalimutan ang Filipino sa ating kurikulum. Pagkat hindi rin nating maitatanggi ang pagkalimot sa mga orihinal na porma ng ating wika ng dahil sa globalisasyon.



Benepisyo

Maraming benepisyo ang mabubuo mula sa adbokasiyang ito. Bukod sa lalo pa nating mapagyayaman ang Wikang Filipino, ito rin ay para mabawasan ang kalituhan sa pagsasalin tas para matulungan din ang mga nagamit ng lalawiganing wika na madaling maintindihan ang mga sinalin na salita.Mas magiging madali kung pamilyar din tayo sa mga terminolohiyang o mga salitang ating isinasalin. Ngunit kung hindi naman ay tunay na wala talagang patutunguhan ang pagsasalin natin ng wika. Tila ay wala itong maitutulong dahil wala rin naming mabibigay dulot ito sa atin. Bagkus ay lalo pa tayo malilito at maguguluhan. Mas maganda kung sadyang alam ngnakakarami ito. Kung hindi naman ay mas mabuti ng tila panatalihin na lamang natin ito sa mismong wika nito. Samakatuwid hindi na kailangang ipilit pa ang pagsasaling wika at baybay at ispeling na lamang ang syang nababago rito.

Rasyunal

Kaisipang ukol sa globalisasyon ang syang pinagmulan  gaming adbokasiya. Kung iisipin ay tila kay rami ng mga pwedeng gamitin. Ngunit globalisasyon ang nakapukaw sa aming atensyon. Para sa amin ay maganda at madaling mailalahad ang naisip naming adbokasiya kalakip ng isyung ito. Napagisip-isip namin na isa rin ito sa mga pangunahing isyung panwika. Agad kaming nagbatuhan ng mga ideya patungkol dito at di kalaunan ay humantong kami sa paksang ito. Mahalaga rin ito sa kadahilanang akmang-akma ito sa nakakarami. Hindi lamang sa katulad naming mga mag-aaral ngunit pangkalahatan ito.Nais ng aming adbokasiya na lumawak ang kaisipan ng bawat Pilipino sa mga usapin sa pagsasalin ng mga salitang Filipino. Sa pamamagitan lamang ng simpleng pagiibang baybay at ispeling ay may pagkakataon naiiba na ang kahulugan ng isang salita. Ganon pa man ang kahulugan kapag ito ay isinalin sa wikang Filipino ay may posibilidad paring magdulot ng pagkalito rito. Sa mga bagong salita na ito hanggat maaari dapat natin isipin na binuo ang wika upang ang mga tao ay magkaintindihan at hindi para magbigay kalituhan. Mas magiging madali kung sadyang may katumbas ang isang salita sa lengguwahe natin upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan.Layunin ng aming adbokasiya na matulungan ang mga katutubo na gumagamit ng mga lalawiganing wika na mas madaling maintindihan ang mga sinaling salita at hindi na mabigyan pa ng mga ibat-ibang kahulugan na makakatulong sa atin na madaling maintidihan ang salita sa kung saan mang bahagi ng Pilipinas.

Riserts

MARAMI ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles.
Istambay na Istandardisasyon
Isang problema pa rin ang paraan ng pagsulat ng mga salitang Ingles sa Filipino. Inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2001 ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na nagsasabing “kung ano ang baybay, siya ring sulat.” Kaya isusulat ang salitang Ingles gaya ng “magnetic” sa “magnetik,” ang “” sa “ekwipment,” at ang “census” bilang “sensus.”
Nilinaw ni Dr. Lakandupil Garcia, propesor sa Filipino ng De La Salle University-Dasmariñas, ang paggamit sa binagong alpabeto sa talakayang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino: Paglilinaw at Paglalapat” sa Elizabeth Seton School-South, Cavite noong 2002. Sa artikulong makikita sa www.dasma.dlsu.edu, kanyang sinabi na nakasaad sa rebisyon ang maluwag na paggamit ng apat sa walong titik na dagdag (C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z). Maaaring gamitin ang mga letrang F, J, V at Z sa mga karaniwang salita habang limitado pa rin sa mga salitang teknikal, kultural at tanging pangalan ang nalalabing apat na letra.
Ngunit tila hindi pa rin ito sapat sa paglinang ng iisang pamantayan sa wikang Filipino upang maging ganap na pambansang wika ito. Para sa iba, walang kaganapan at linaw ang pamantayan.
“Kinakailangan munang simulan ang pagkakasundo sa kung anong pamantayan ang gagamitin, bago maging ganap na wikang pambansa ang Filipino,” ani Reynaldo Candido Jr., propesor ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters at dating katulong na patnugot sa Filipino ng Varsitarian.
Para kay Vim Nadera, direktor ng Likhaan Institute of Creative Writing ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), matagal na dapat naisaayos ang mga alituntunin sa wika. Hindi lamang niya maintindihan kung bakit pilit pa ring pinipigil ang pag-unlad nito.
“Intelektwalisado na ang Filipino dati pa,” aniya. “Ngunit ang masakit nito, kumukontra sa paggamit ng Filipino ang mismong KWF.”
Ayon kay Nadera, ang KWF ang siya umanong kumakampi sa pagpapatupad ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Dahil dito, naitutulak palayo ang mga Pilipino sa pagtangkilik sa sariling wika.
Itinanggi ng KWF ang umanong pagkiling nito sa paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Ipinaliwanag ni Ricardo Nolasco, ang tagapangulong komisyoner, na itinataguyod lamang nila ang multilingguwalismo kung saan magsisimula ang pagtuturo ng mga asignatura sa wikang sinasalita sa isang rehiyon. Kasama ang paggamit ng Ingles sa patakarang ito.
“Hindi rin maitatatwa ang kahalagahan ng mga rehiyonal na wika at Ingles sa pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino.”
Inamin naman ng komisyon na naguguluhan din maging sila sa kanilang nilabas na rebisyon kaya binawi nila ito noong Hulyo 5 ng taong kasalukuyan. Ayon kay Nolasco, hindi nila maunawaan ang pagbaybay ng mga salitang-hiram. Halimbawa, ginawang “soljer” ang salitang “soldier,” “kaf” ang “cough,” at “vekeyshun” ang “vacation.”
Aniya, “kahit ang mga taga-KWF, hindi ginagamit ang rebisyong ginawa noong 2001”.
Dagdag pa ni Nolasco, pansamantalang ibabalik muna ang alpabetong Filipino ng 1987, kung saan ginagamit at tinatanggap ang walong banyagang letra, ngunit ibabaybay ayon sa pagsasalita ng Filipino.
Kung gayon, ibabalik din ang mga salitang “soljer” bilang “kawal,” “kaf” bilang “ubo”, at “vekeyshun” bilang “bakasyon.”
Nakakaapekto rin sa problema sa wika ang iba’t ibang mga patakarang pangwika ng mga pamantasan, ayon kay Nadera.
“Iba-iba kasi ang pamantayan sa pagsusulat sa Filipino na ginagamit ng mga paaralan,” ani Nadera. “Paiba-iba kasi ang paggamit ng alpabeto. Naghahalo-halo ang mga ito. Kung minsan ginagamit ang alpabeto noong 2001, kung minsan naman noong 1987. Iba-iba lahat, iba sa UP, sa La Salle, sa PNU at sa Ateneo. Sa UST, wala.”
Noong 1989, sinimulan ng UP ang paggamit sa Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Dahan-dahang ipinatupad ito hanggang sa kalaunan, maraming asignatura sa UP ang tinuturo gamit ang wika.
“Patunay ang istandardisasyon sa mga eskwelahan na kayang pag-isahin ang pamantayan ng wikang Filipino, at higit tayong uunlad kung gagamitin natin ito,” ani Nadera.
Ibang usapin naman ang kalagayan ng Filipino sa UST. Ani Candido, ang hindi pagkakaroon ng departamento sa Filipino dito ang dahilan kung bakit nakakaligtaan ang pagsunod sa iisang istandard sa Filipino. Noong 2004, nabuwag ang Department of Languages na siyang nangangasiwa dati sa pagtuturo sa wikang Filipino at pinalitan ito ng General Education Department.
“Dito kasi sa UST, wala tayong ginagamit na alituntunin. Tinuturo ang nirebisang paggamit ng alpabeto, ngunit mapapansin na hindi pa rin naiintindihan ng lahat ang paggamit nito,” ani Candido. Halimbawa nito ang pagsulat sa salitang “alpabeto,” na maaaring gawing “alfabeto”. O “efekto,” sa halip na “epekto.”
Sinabi naman ni Nadera na inanyayahan noong 1994 ang UST na sumali sa Sanggunian ng mga Unibersidad at Kolehiyo sa Filipinas o SANGFIL kung saan nagkakaroon ng mga pagpupulong ang mga kolehiyo na talakayin ang kani-kanilang pananaw at ideya sa pagkaroon ng iisang sistemang pangwika, ngunit hindi ito lumahok.
Layunin ng grupong SANGFIL ang ibayong pagsasaayos ng mga alituntuning pangwika at ang pag-uusap sa mga usapin nito sa akademya.
Ani Nadera, “pinalampas ng UST na malinang nito ang sariling polisiya sa paggamit ng Filipino lalo pa’t wala itong sariling departamento para sa sariling wika.” Dulot daw ito ng pagkiling sa Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
Hindi rin sumusunod sa itinakdang bagong alpabeto ng KWF ang Ateneo, ayon naman kay Michael Coroza, propesor ng malikhaing pagsulat sa Ateneo De Manila University at dating patnugot sa Filipino ng Varsitarian. Aniya, “sinusunod ng Ateneo ang tradisyon ng panitikang Pilipino, dahil ito ang nakagisnan natin.”
Mag-Ingles na lang ba?
Sa mga problemang kinakaharap ng wikang Filipino, napapatanong tuloy ang marami kung dapat nga bang gawing lingua franca ito ng mga Pilipino. May mga nagnanais na gamitin na lamang ang Ingles dahil naniniwala silang higit itong maunlad at angkop na midyum ng pakikipag-ugnayan lalo na sa panahon ng globalisasyon at information technology.
Noong 2004, itinakda ng Pangulong Macapagal-Arroyo ang pagbabalik sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Sa kanyang pasinayang talumpati noong nasabing taon, sinabi niyang nakatutulong sa mga Pilipino ang kagalingan sa pagsasalita ng Ingles, bukod pa sa pagiging mabisa umano nito sa pagkatuto ng mga estudyante.
Pinabulaanan naman ito ni Nadera. Aniya, mali ang paniniwala na tanging wikang Ingles lamang ang nagsisilbing susi sa kaunlarang pang-ekonomiya.
“Higit nating kailangan ng wikang makapagbubuklod sa ating lahat at hindi solusyon dito ang paggamit ng Ingles. Mas dapat pagtuunan ng pansin ang paggamit ng Filipino dahil ito ang mas naiintindihan, partikular na ang mga masa sa bansa,” ani Nadera. “Ang mga edukado lamang ang siyang higit na nakakaintindi ng Ingles, at isinusulong nila ito para mapanatili ang kapangyarihan.”
Ganito rin ang pananaw ni Romulo Baquiran, isang propesor sa UP at manunulat sa Filipino. Aniya, hindi magagamit ng lahat ng Pilipino ang kahusayan sa pagsalita sa Ingles. Kahit mayroong pangangailangan sa ibang bansa ng mga manggagawang magaling magsalita sa Ingles, kagaya ng mga call center agents at nars, “aabot lamang sa 200,000 na empleyado ang kukunin sa loob ng tatlo hanggang apat na taon,” ani Baquiran.
Dagdag pa niya, “higit na maigi kung sa mother language natututo ang mga bata upang mapadali ang kanilang pag-aaral ng mga asignatura.”
Ikinumpara naman ni Nadera ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa kalagayan ng mga maliliit ngunit mauunlad na bansa tulad ng Thailand at Japan. Ayon sa kanya, hindi umaasa ang mga ito sa dayuhang wika upang makamit ang kaunlaran.
“Malakas ang turismo at ekonomiya ng Thailand at Japan, ngunit hindi sila gumamit ng banyagang wika,” ani Nadera. “Hindi naman kasi kapag ginagamit ang wikang banyaga, sisikat at uunlad na. Marahil, mapipigil pa nito ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga Pilipino.”
Ayon naman kay Baquiran, hindi sinusunod ng pamahalaan ang isinasaad ng Saligang Batas tungkol sa wikang Filipino. Ayon kasi sa Artikulo XIV Seksiyon 6: “Sang-ayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano ang nararapat sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno upang masimulan at maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
- See more at: http://varsitarian.mobi/features/wikang_filipino_kumusta_na#sthash.aWlMHCWA.dpuf

Mungkahing Titulo

“Globalisasyon: Lason sa Wikang Filipino” Bakit nga ba nasabing lason o dikaya’y banta ang globalisasyon sa wikang Filipino? Bilang pormal na depenisyon, ang globalisyon ay ang  kaparaan kung paano nagiging global o pang-mundo ang mga local o mga pampook na gawain o pamamaraan. Malalaman sa konseptong papel na ito ang kasagutan. Ngunit ang isyung globalisasyong ito ay tila kay lawak kaya’t mas magiging angkop kungpaliliitin o tutumbukin sa pinakapaksa upang makabuo ng isang detalyado tiyak at siguradong adbokasiya para dito.

Adbokasiya

Sa tuwing may mga bagong bagay na nadidiskubre ay kakabit din nito ang mga bagong salita na maaaring nasa ibang lengguwahe. Ngunit di natin maiiwasang maitanong kung ano ang salin nito sa ating sariling wika.‘Tila mapapaisip na lamang tayo.Paano ko nga ba sasabihin ang salitang ito sa wikang Filipino? May mga salitang isinasalin sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbabaybay lamang dito, sapagkat wala talaga itong katumbas na salita.Gayundin meron namang tila mas maganda o di kaya’y angkop na panatilihin sa ganong lennguwahe kaysa isalin pa.

May mga pagkakataong iniiba na lamang ang ibang mga letra. Tulad ng sa letrang “c” kung ingles ay ginagawang “k”. Halimbawa ay ang salitang “canteen” sa wikang ingles kung ito’y isasalin sa wikang Filipino ito ay magiging “kantin” kung ano ang pagkakabigkas ay gayundin ang paraan ng pagkakasulat dito. Gayundin ang letrang “c” ay pwede rin naming maging “s” sa atin tulad na lamang ng “cellphone” ito ay nagiging “selpown”. Nadadagdagan ng letrang “w” sapagkat ganito ang basa sa salitang ito.

Minsan pa ay pinag-didibatehan ito upang mabigyan ng aktuwal na katawagan.Nagkakaroon kasi ng kalituhan o kaguluhan dito. Ito ay patungkol sa kung alin nga ba ang mas tama na gamitin. At kung tama nga ba ang mga  ito na salin sa wika natin. May nagsasabing ito nga at nararapat na ito ang salin ngunit ang iba naman ay tila nababaduyan sa pagkakasalin dito.

Halimbawa nito ay ano ang tagalog sa "square root of 16".Kung ito ay nanaiisin nating tuluyang maisalin sa wikang tagalog maaari natin itong tawaging bilang "parisukat na ugat ng labing anim".Ngunit hindi ito magandang pakinggan. Ang mga taong kinakausap ay mawawalan ng pokus lalo’t higit at bago sa kanila ang saling wikang ito.

Maraming mga tawag sa iba’t ibang mga asignatura ang tila mahirap isalin sa wikang Filipino. Lalo’t higit pa ang mga katawagan sa siyesya na talagang ibang lebel na kung ating iisipin. Gayundin kung ito ay gagamitin sa pagtuturo ng mga guro ay lalong hindi maiintindihan ng mga bata ang mga terminolohiyang wala talagang salin sa wikang Filipino. At kapag naman pinalitan pa ang ispeling nito ay tila may posibilidad naming ito ay magkaroon ng ibang kahulugan. Salaungat naman ito sa konseptong dapat iyon lamang ang ispeling sapagkat ito ay hindi na nababago.

Akala siguro ng marami ay mas madali kung ang sarili nating wika ang ginagamit na batayan at wika sa edukasyon. Ang hindi nila naiisip ay ito pa nga ang syang mas nakakadulot ng malaking pagbabago sa salitang ating nakasanayan na.

Kung atin din namang iisipin. Ang wika ay binuo upang tayo ay madaling magkaintindihan at hindi para magbigay kalituhan sa bawat isa sa atin. Ngunit bakit may mga salitang ipinipilit na isalin kahit na ito ay magbibigay kalituhan sa atin. Isipin na lang natin ang halimbawa na "square root of 16" na kapag ipinilit na isalin ay magiging " parisukat na ugat ng labing anim". Na kung ating iisipin naman ay pwede ring gawing " iskwer root ng labing anim" . Mapapansin natin na iniba lang ang ispeling o baybay , maaari ring maraming tao ang magbigay ng masamang reaksyon sapagkat nasa tipong pagka ingles pa din ito.

Pero maipaglalaban na natin na tagalog ito dahil sa pagkakagamit ng mga baybay na nagbibigay daan sa salita upang maging ganap na salin ito sa wikang tagalog. Bakit nga ba hindi . Maaari nating isalin sa wikang tagalog ang mga ibat ibang lenguwahe sa pamamagitan lamang ng pagiiba ng bay bay o ispeling ng mga ito.

Gayundin, mas magiging makatwiran ang pagkakasalin nito kesa saipagpilitan namang maisalin sa wikang Filipinoang mga salitang ingles lamang talaga ang basehan. Hindi naman mababawasan ang sukatan ng pagka tagalog ng ating salita kung madadagdagan ito ng mga salitang iniba lamang ang baybay. Ang mga salitang iniba ang baybay ay maaari pang makatulong s a pagkatuto sa mga ibang katutubo natin sapagkat kahit ang salita ay malapit sa pagka ingles nito kung iniba naman ang bay bay ay magiging malapit ito sa mga lalawiganing wika kaya mas madadalian silang intindihin ito . Isa pang magandang magiging resulta nito ay maaaring gamitin ito sa mga asignaturang nakabase sa ingles sa mga batang hirap sa pagkatuto ng wikang Ingles . Idagdag pa natin na malapit ang mga baybay na ito sa Ingles na kapag narinig ito ng mga katutubo ay mapapansin nila na malapit ito sa baybay na makakasanayan nila at magagawa din nilang maintindihan ito na kasabay ng nasa pagka wikang tagalog ng mga salita. Kung masusunod ang adbokasiyang ito at gagawa ang ating bansa ng talaan ng mga salitang isinalin ng hindi mismo sa pinaka tagalog nitong porma kundi sa baybay at ispeling . Marami itong matutulungan at malay natin ay gamitin na ding ganap na wikang tagalog ang gagamitin sa pagtuturo sa pilipinas at mawawala na din ang mga mang mang na tao sa pagdating sa asignaturang ingles.



Kalakip nito ang aming ilustrasyon sa aming adbokasiya. Makikita rito ang representasyon namin.Sa larawan ay mapapansin ang isang guro na tila masigasig na tinatalakay ang tungkol sa kanyang asignatura. Ngunit isipin kung ang tinuturo niya ay siyensya. Paano mas madaling maiintindihan ng kanyang mga estudyante ang kanyang mga sinasabi na pagpapaliwanag ukol sa kanyang paksa kung ingles ito. Tila kay dali kung matapos niyang basahin ang kahulugan ng isang terminolohiya ay kanya itong ipapaliwanag sa ating wika. Mas maiintindihan at mauunawan ng mga mag-aaral ang nais niyang sabihin sa mga ito. Gayundinkung maaalala ay nabanggit sa unang bahagi ng disenyong ito na hindi magdudulot ng kalituhan kung bibigyang pagpapaliwanag sa wikang Filipino. Kung puro ingles lamang ang sasabihin ng guro ay tiyak na nganga na ang kanyang mga estudyante at may posibilidad pang wala silang matutunan. Wala namang may gustong siya ay walang maintindihan at bakit pa sila mag-aaral kung wala ring matutunan. Kaya maganda pa ay samahan ng wikang kinasanayan ang pagtuturo kaya ganyan an gaming ilustrasyon.